Wanted na magnanakaw, nasakote
- BULGAR
- Jun 28, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 28, 2022
AKLAN—Isang wanted na magnanakaw ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Cogon, Malinao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Eduardo Serago, nasa hustong gulang, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong qualified theft.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang magnanakaw sa nasabing barangay.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments