Wanted na lolo, nasakote
@Balitang Probinsiya | July 15, 2022
ANTIQUE—Isang wanted na lolo ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bacalan, Sebaste.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Anecito Aungon, 70-anyos at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape acts of lasciviousness.
Ayon sa ulat, nakita ng nagpapatrulyang pulisya si Aungon sa nasabing bayan kaya agad itong dinakip.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments