Wanted na killer nasakote
- BULGAR

- Aug 9, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 9, 2020
ILOCOS NORTE—Isang most wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. 12 Namuroc, Vintar.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Zaldy Zabala, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Zabala sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa nasabing lalawigan.
Napag-laman na matagal nang pinaghahanap ng pulisya si Zabala at kamakalawa lang nagkaroon ng pagkakataon ang mga operatiba na dakpin ang suspek.
Hindi nanlaban ang mga suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.



Comments