top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Wanted na killer arestado

BULGAR
Sep 8, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 8, 2022


SORSOGON—Isang wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Biga, Magallanes.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Manuel Belangel, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.


Napag-alamang may nag-tip sa pulisya sa pinatataguan ni Belangel, kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page