Wanted na karnaper arestado
- BULGAR
- Sep 14, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 14, 2022
LAGUNA—Isang wanted na karnaper ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Sampiruhan, Calamba City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Dennis Olivarez, 34-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments