Wanted na illegal recruiter, nasakote
- BULGAR

- Jul 16, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 16, 2020
BENGUET—Isang illegal recruiter ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Ucab, Itogon.
Kinilala ang suspek na si Annabelle de Guzman, tubong Urdaneta City, Pangasinan.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya si De Guzman sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong illegal recruitment.
Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya si De Guzman kaya nang makita ito sa naturang barangay ay agad inaresto ng mga awtoridad ang suspek.
Sa imbestigasyon ay napag-alaman na sangkot din ang suspek sa “Budol-Budol Gang” operation sa lalawigan.



Comments