Vietnamese na rider, patay sa van
@Balitang Probinsiya | July 25, 2022
PALAWAN—Patay ang Vietnamese na rider at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng mabangga ng van ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.
Kinilala ang nasawi na si Huynh Cong Ngon, 42-anyos, samantalang ang sugatan ay ang angkas nitong Vietnamese rin na si Nguyen Yan Thien, 42-anyos, kapwa pansamantalang nakatira sa Bgy. Mandaragat sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng van si Jeff Inforerio, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng mga biktima.
Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga ng van sa motorsiklo ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklara dead-on-arrival si Ngon.



Comments