top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Vendor tinodas ng mga armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 10, 2022


MAGUINDANAO—Isang vendor ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Pinguiaman, Datu Odin Sinsuat.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Allan Mohammad, nasa hustong gulang at residente ng Cotabato City.


Ayon sa ulat, habang naglalako ng kanyang mga panindang kitchen wares si Mohammad sa nasabing barangay nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Mohammad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page