Tricycle driver, sugatan sa delivery van
@Balitang Probinsiya | June 16, 2022
AKLAN–Sugatan ang tricycle driver nang aksidenteng mabangga ng delivery van kamakalawa sa Bgy. Linabuan Sur, Banga.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Shirey Sabay, 46-anyos at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng delivery van na minamaneho ni Frederick Jajalon, nasa hustong gulang, kaya nabangga nito ang tricycle na minamaneho ng biktima.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan si Sabay at ginagamot na siya sa ospital.
Nahaharap si Jajalon sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury and damage to property.



Comments