Tricycle driver natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | August 30, 2022
ILOILO—Isang tricycle driver ang natagpuang patay kamakalawa sa Bgy. Bacay, Dumangas.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jose Billena, 57-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Napag-alamang ilang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima kaya't ini-report nila ito sa pulisya.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay wala silang nakitang palatandaan na pinatay ang biktima.
Gayunman ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakatagpo sa bangkay ng biktima sa nasabing lugar.



Comments