Search
  • BULGAR

Trak nawalan ng preno, 2 patay, 2 sugatan

@Balitang Probinsiya | June 30, 2020



QUEZON—Dalawang tricycle driver ang namatay at tatlong katao pa ang sugatan nang aksidenteng mabangga sila ng trak na nawalan ng preno kamakalawa sa Bgy. Penafrancia, Gumaca.


Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Ernie Villamayor at Niceto Eva, kapwa tricycle driver, samantalang ang mga sugatan naman ay sina Vincent Marca, tricycle driver at mga pasahero nitong sina Agnes Alejo at Marilou Atip, pawang residente sa nasabing bayan.


Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng trak na minamaneho ni Jevsle Obnamiga nang mawalan ito ng preno kaya nabangga nito ang mga tricycle na minamaneho nina Villamayor, Eva at Marca na kinalululanan naman ng mga pasaherong sina Alejo at Atip.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Villamayor at Eva.


Kaagad namang dinakip ng pulisya si Obnamiga na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide, multiple physical injury at damage to property.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.