top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Traffic enforcer todas sa mga armado

BULGAR
Aug 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 28, 2022


NORTH COTABATO—Isang traffic enforcer ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Dungguan, Mlang.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Norodin Musa, nasa hustong gulang, miyembro ng Provincial Traffic Management Unit at residente ng naturang barangay at traffic enforcer.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay si Musa ay biglang pumasok ang mga salarin at agad pinagbabaril ang biktima.


Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Musa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page