Tiyuhin, tinaga sa leeg ng pamangkin
- BULGAR

- Jul 11, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 11, 2020
ALBAY—Isang 41-anyos na tiyuhin ang napatay nang tagain sa leeg ng kanyang pamangkin na 15-anyos kamakalawa sa Bgy. Magapo, Tabaco City.
Nakilala ang biktima na si Randy Urbistondo, magsasaka at nakatira sa Bgy. Bonot sa nasabing bayan, samantalang hindi na pinangalanan ang suspek dahil menor-de-edad ito.
Ayon sa ulat, nagtungo si Urbistondo sa bahay ng mga magulang ng suspek at nakipag-inuman sa kanyang mga kamag-anak at nang malasing ang biktima ay pinagalitan nito ang binatilyo.
Dahil dito, nagalit ang suspek at tinaga sa leeg ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).



Comments