top of page

Tips para paghandaan at maging safe sa pananalasa ng bagyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 16, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 16, 2020




Panahon ng bagyo na ngayon kaya kailangang maging handa tayo lalo't na't huwag naman sanang may dumating pa na kasing lakas ng hagupit ni Ondoy at ni Yolanda ang dalang hangin at ulan. Upang hindi na natin maranasan pa ang naganap sa Ondoy at Yolanda, heto ang mga tips para makapaghanda sa darating na bagyo.

  1. Linisin nang mabuti ang mga alulod, mga kanal at mga basura sa paligid. Alisin na rin ang mga bara sa imburnal upang dumaloy ang tubig sa kalye.

  2. Magpasemento ng harang sa lugar kung saan maaring posibleng daanan ng tubig at putik sa sandali ng malakas na ulan.

  3. Maglagak ng tubig at pagkain at maghanda ng emergency kit na paglalagyan ng pera, first aid kit, portable radio, flashlight at ekstrang baterya.

  4. Maglaan na rin ng mga waterproofing materials at emergency building materials na available tulad ng sandbags, plastic sheeting at mga kahoy.

  5. Maging handa na tipunin ang mga personal na kagamitan at lumayo na sa lugar na maaring maapektuhan ng bagyo. Punuin na kaagad ng gasolina ang tangke ng sasakyan at maglagay ng mahahalagang dokumento at mga kagamitan sa isang safety deposit box.

  6. Maglaan na rin ng mapa na rutang daraanan para sa mas ligtas na pag-evacuate mula sa tahanan, eskuwela o trabaho para makarating sa mas mataas na lugar.

  7. Konsiderahin ang pagkakaroon ng insurance para sa mga ari-arian maging ang tahanan, maging ang sasakyan sa sandaling may mangyaring hindi inaasahang pananalasa na naman ng bagyo at bumaha.

Sa paghahanda naman ng storm emergency kit dapat itong gawin nang mas maaga, lalo na kung papasok ang panahon ng tag-bagyo. Kasama ng pagpaplano ang pagbuo ng emergency kits upang hindi na kayo mataranta pa at madismaya o magsisi sakaling bigla na lang nanalasa ang bagyo nang wala man lang babala.

Ang maging handa sa pagdating ng bagyo at ang pagkakaroon ng emergency kit at magkaroon ng mga planong gagawin ay para mailigtas ang ating buhay.


Ang emergency kit ay mahalaga para mabigyan ang pamilya ng sapat na pagkain at supplies na kailangan para makaligtas sa darating na hindi inaasahan.

1. Tipunin ang lahat ng iyong mahalagang dokumento tulad ng identification cards at life insurance, health insurance, property at auto insurance policies. Ang iba pang mga dokumento ay kasama na ang kopya ng birthday certificate, property deeds at titulo ng sasakyan. Gumawa ng maraming kopya nito at ilagak ang orihinal sa isang safe deposit box na malayo sa tahanan.


2. Sapat na pagkain sa loob ng tatlong araw. Magtipon na ng tatlong araw na suplay ng pagkain para sa bawat isa sa pamilya. Magkaroon din ng at least 1 galon na tubig kada tao sa isang araw. Huwag kalimutan ang pagpaplano ng pagkain at tubig para sa mga alagang hayop at kung may sanggol sa pamilya ay magtipon na rin ng ekstrang baby supplies. Isang manual na pambukas ng de lata at kagamitang pangkusina ay kailangan at dapat itong ilagay sa isang watertight container.

3. Higit na mahalaga sa lahat ang first aid kit aid. Maglaan ng ekstrang damit at kumot sa kit maging ang personal care at hygiene supplies. Magtabi rin ng flashlight, silbato at de bateryang radyo na may ekstrang baterya at huwag kalimutan ang mga gamot. Magsilid na rin ng cash at barya, tiyakin na may kumpleto kang first aid kit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page