Terorista tepok sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | August 30, 2022
MAGUINDANAO—Isang terorista ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kamakalawa sa Bgy. Damablac, Talayan.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na terorista.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga armadong lalaki na gumagala sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) at darakpin na sana ang mga terorista pero pinagbabaril ng mga suspek ang mga kawal ng pamahalaan.
Ayon sa ulat, nakaganti agad ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang isang terorista.
Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng BIFF.



Comments