top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tanod nalunod sa Taal Lake

BULGAR
Jun 7, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 7, 2022


BATANGAS–Isang barangay tanod ang namatay nang malunod habang naliligo sa Taal Lake na sakop ng Lipa City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Edwino Manzanaris, 47-anyos, nakatira sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, naliligo umano sa Taal Lake si Manzanaris nang mapagawi ito sa malalim na bahagi kaya nalunod ang biktima.


Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa lawa.


Nabatid na matapos ang ilang minuto ay lumutang ang walang malay na biktima kaya agad itong dinala sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page