top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Tanod na rapist arestado

BULGAR
Jul 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 25, 2022

CEBU—Isang barangay tanod na gumahasa sa isang dalaga ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Labogon, Mandaue City.


Kinilala ang suspek na si Diosdado Gesta, 56-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Lyka”, 18-anyos ay nagtungo siya sa barangay hall para ireklamo ng pananakit ang kanyang live-in partner at ang ginawa ni Gesta ay sinabihan ang dalaga na sasamahan niya ito sa ospital para magpa-medical.


Sinabi ni “Lyka”, na sa halip sa ospital ay sa lodge-in siya dinala ng suspek at dito siya ginahasa.


Matapos ang panggagahasa ay pinagbantaan ni Gesta si “Lyka”, na huwag magsusumbong sa pulisya, pero pagkalabas ng lodge-in ay agad nagtungo sa police station ang biktima at inireklamo ang tanod kaya agad nadakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page