top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sundalo, todas sa engkuwentro

BULGAR
Jul 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 4, 2022


APAYAO—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Katablangan, Conner.


Hindi muna pinangalanan ang napatay na sundalo hangga't hindi naipararating sa pamilya nito ang nangyari sa biktima.


Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang tropa ng pamahalaan nang pagbabarilin sila ng mga komunista dahilan kaya napatay ang sundalo.


Nang gumanti ng putok ang tropa ng pamahalaan ay mabilis na tumakas ang mga NPA.

Nabatid na patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na komunista.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page