top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sorbetero tinodas ng riding-in-tandem

BULGAR
Jul 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 28, 2022

SULTAN KUDARAT—Patay ang sorbetero nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Pagasa, President Quirino.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Herman Diaz, 52-anyos, nakatira sa Bgy. Katiko sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang naglalako ng sorbetes si Diaz nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Diaz.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page