Simbahan nilooban ng akyat-bahay gang
@Balitang Probinsiya | July 22, 2022
BATANGAS—Isang simbahan ang nilooban ng miyembro ng Akyat-Bahay Gang kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Padre Garcia.
Ang niloobang simbahan ay ang Our Lady of the Most Holy Rosary Parish Church sa nabanggit na barangay.
Nabatid na natutulog ang mga taong-simbahan nang looban ng mga suspek ang nasabing simbahan.
Napag-alamang natangay ng mga suspek ang pera sa donation box at isang mountain bike na pag-aari ng simbahan.
Kaugnay nito, naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga magnanakaw.



Comments