Shoplifter, tiklo sa convenience store
- BULGAR
- Jun 6, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 6, 2022
BATANGAS--Isang shoplifter ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa loob ng convenience store sa Bgy. Rillo, Tuy.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Arlene Ramos, 21-anyos, nakatira sa bayan ng Balayan sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, ninakaw ng suspek ang ilang paninda sa hindi pinangalanang convenience store sa nabanggit na bayan.
Nang makita ng mga kawani ng convenience store ang pagnanakaw ng suspek ay agad itong ini-report sa pulisya kaya nadakip ang shoplifter.
Nahaharap ang suspek sa kasong qualified theft.



Comments