Senior citizen na NPA, timbog
- BULGAR

- Jun 27, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 27, 2020
CAGAYAN—Isang senior citizen na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng awtoridad kamakalawa sa Bgy. Casagan, Sta. Ana.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na si Adoracion Miguel, alyas Ka Cion, miyembro ng NPA na nakabase sa nasabiing lalawigan.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad sa kinaroroonan ni Miguel kaya agad nagresponde ang pulisya at dinakip ang lolong rebelde.
Hindi naman nanlaban si Miguel nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa naturang barangay.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon si Miguel para madakip ang mga kasamahan nitong NPA na nag-o-operate sa nasabing lalawigan.



Comments