Senglot na driver timbog
- BULGAR
- Sep 7, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 7, 2022
AKLAN—Isang lasing na driver ng kotse ang dinakip ng pulisya makaraang mabangga ang tatlong nakaparadang motorsiklo kamakalawa sa J. Cardinal Sin Avenue, Kalibo.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Silverio Laborte, 35-anyos, residente ng La Castellana, Negros Occidental.
Ayon sa ulat, dahil sa pagmamaneho ng lasing ay aksidenteng nabangga ni Laborte ang tatlong nakaparadang motorsiklo na pag-aari nina Mark Lester Roldan, Junelyn Francisco at Irreyl Arranguez, pawang nasa hustong gulang at mga nakatira sa nasabing bayan.
Nabatid na imbes huminto ay tinangka pang takasan ni Laborte ang pagkakabangga niya sa tatlong motorsiklo, kaya hinabol siya ng mga nagrespondeng awtoridad at nang madakip ay dito nalaman na lasing ito sa alak.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na aksidente at sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa kasong reckless imprudence resulting to 3-counts of damage of property at driving under the influence of liquor.



Comments