Selosang misis, nagtangkang magpakamatay
- BULGAR

- Jul 3, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 3, 2020
CAPIZ—Isang ginang ang nagtangkang magpakamatay nang magselos matapos malamang may kabit ang kanyang mister kamakalawa sa Roxas City.
Ang biktima na naglaslas ng pulso ay itinago ng pulisya sa pangalang “Lina”, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nagselos umano ang misis nang malaman na may ibang babae ang kanyang mister kaya nilaslas nito ang kanyang pulso.
Nang makita ng kanyang mga kamag-anak ang duguang biktima ay agad itong dinala sa pagamutan.
Sa kasalukuyan ay nagpapagaling na ang biktima sa ospital.



Comments