Sekyu timbog sa walang lisensyang shotgun
@Balitang Probinsiya | September 23, 2022
SORSOGON—Isang security guard ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng walang lisensyang shotgun at mga bala kamakalawa sa Bgy. Central Donsol.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si John Orlie Clemente, security guard at residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakita ng nagpapatrulyang pulisya si Clemente na naglalakad habang may bitbit na shotgun kayat sinita ito.
Ayon sa ulat, walang maipakitang lisensya at permit to carry si Clemente tungkol sa dala niyang shotgun kaya't agad itong dinisarmahan at inaresto ng pulisya.
Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments