Rider tepok sa SUV at van
@Balitang Probinsiya | September 18, 2022
ALBAY—Patay ang rider nang aksidenteng mabangga ng SUV (sports utility vehicle) at van kamakalawa sa Bgy. Paulog, Ligao City.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Carlo Quiane, 46-anyos, residente ng Bgy. Batang sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo si Quiane ay nawalan ito ng kontrol kaya bumangga ang motorsiklo nito sa kasalubong na SUV na minamaneho ni Romer Munoz at bumangga rin sa van na minamaneho naman ni Jaime Gonzales, na nasa kabilang linya ng kalsada.
Nabatid na dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kusa namang sumuko sa pulisya sina Munoz at Gonzales na kapwa nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.



Comments