Rider, tepok sa nakaparadang jeep
@Balitang Probinsiya | July 12, 2022
BATANGAS—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa nakaparadang jeep sa Bgy. Cuta, Batangas City.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Christian Base, 22-anyos, at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Base kaya bumangga ang motorsiklong kinalululanan nito sa nakaparadang jeep.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan.



Comments