Rider tepok, bata sugatan sa aksidente
- BULGAR

- Jul 19, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 19, 2020
KORONADAL CITY—Isang rider ang namatay at isang batang babae ang sugatan sa naganap na aksidente kamakalawa sa Bgy. Zone 4.
Ang nasawi ay si Joeneo Aguirre, 34-anyos, samantalang hindi pa nakilala ang batang biktima.
Nabatid na habang minamaneho ni Aguirre ang kanyang motorsiklo ay aksidenteng nabangga nito ang batang babae na nagbibisikleta sa nasabing barangay dahilan kaya nawalan ng balanse at bumangga sa pader ang naturang rider.
Napag-alaman na nagtamo ng malaking pinsala sa ulo si Aguirre at nagkaroon naman ng mga sugat sa katawan ang batang babae.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Aguirre.



Comments