top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Rider patay, backrider sugatan sa waiting shed

BULGAR
Aug 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 12, 2022


ALBAY—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang kasama nitong backrider nang aksidenteng bumangga sa waiting shed ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Marayag, Libon.


Ang nasawi ay kinilala ng pulisya na si Santiago Herrera, 21-anyos, samantalang ang sugatan ay si Francis Rivera, 20-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo si Herrera habang kaangkas si Rivera kaya bumangga sila sa waiting shed.


Nabatid na nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan si Herrera.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page