top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Rider, nilikida ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 3, 2022


NORTH COTABATO—Isang hindi kilalang rider ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Binoligan, Kidapawan City.


Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa motorsiklo at agad itong pinagbabaril.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page