Rider na walang helmet, tiklo sa shabu
@Balitang Probinsiya | August 20, 2022
LANAO DEL SUR—Isang rider na walang suot na helmet ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng marijuana kamakalawa sa Bgy. Pagalongan-Massion, Ramain.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rashid Kamid, 18-anyos at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, sinita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Kamid dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo ng walang suot na helmet.
Nabatid na nang kapakanan ay nakunan ng pulisya si Kamid ng isang pakete ng shabu.
Dahil dito, agad inaresto, sinampahan ng kaso at ikinulong ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments