Rider na guro todas sa van
@Balitang Probinsiya | October 5, 2022
SORSOGON—Isang rider na guro ang namatay at sugatan naman ang misis nito nang aksidenteng mabangga ng van ang kinalululanan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Gadgaron, Matnog.
Ang nasawi ay si Marshan Gracila, 32-anyos, samantalang ang sugatan ay ang kanyang misis na si Sheila, nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa Bgy. Barlos sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng van na minamaneho ni Bernabe Braga, 62-anyos, kaya aksidente nitong nabangga ang motorsiklong kinalululanan ng mag-asawang biktima.
Nabatid na dinala ng mga saksi ang mag-asawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Marshan dahil sa malaking pinsala sa ulo na tinamo nito sa naganap na aksidente.
Nahaharap ang sumukong driver na si Braga sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury at damage to property.



Comments