Rider kritikal sa van
- BULGAR
- Jun 14, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 14, 2022
AKLAN–Isang rider ang nasa kritikal na kalagayan nang aksidenteng mabangga ng van ang kinalululanan niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Fulgencio, Balete.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jestoni Nolido, 35-anyos, tubong Bago City, samantalang ang driver ng van ay si Gener Dice, 29-anyos, tubong Dao, Capiz.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Dice, kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng biktima.
Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan si Nolido at ginagamot na siya sa ospital.
Samantala, sinampahan na ng pulisya si Dice ng kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments