Rider dedbol sa semplang
@Balitang Probinsiya | May 26, 2022
CAVITE – Isang rider ang namatay nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Molino 2, Bacoor City sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Stephen Pacheco, 31-anyos at nakatira sa nabanggit na lungsod.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng motorisklong minamaneho ni Pacheco kaya sumemplang ito sa sementadong kalsada.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng malaking sugat sa ulo ang biktima dulot ng pagkabagok sa kalsada.
Agad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments