Rider dedbol sa poste
- BULGAR
- Jul 31, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 31, 2022
AKLAN—Patay ang isang rider nang aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa poste ng kuryente sa Bgy. Calangcang, Makato.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rodney dela Cruz, 30-anyos, at nakatira sa Bgy. Calimbajan sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Dela Cruz kaya bumangga ang motorsiklong kinalululanan nito sa poste.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang biktima.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival sa pagamutan.



Comments