Pusher, nasakote sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 20, 2022
CAMARINES NORTE--Isang drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Casalugan, Paracale.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito upang madakip ang supplier niya ng droga sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang drug pusher.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang sachets ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments