top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pumatay sa live-in partner nasakote

BULGAR
Oct 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 10, 2022


PAMPANGA—Isang lalaki na pumatay sa kanyang live-in partner ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Dau, Mabalacat City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ramy Dago, 47-anyos, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek dahil sa ginawa nitong pamamaril at pagpatay sa kanyang live-in partner na si Elenita Yamasaki, 52-anyos sa Bgy. Tanca, Bay, Laguna noong Setyembre 29, 2022.


Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek, kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip dito dinakip si Dago.


Sa imbestigasyon ng pulisya ay napag-alamang selos ang dahilan kaya binaril at napatay ng suspek ang kanyang live-in partner.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page