Parak, ligtas sa atake ng riding-in-tandem
- BULGAR

- Jul 2, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 2, 2020
LANAO DEL NORTE—Isang pulis ang nakaligtas sa kamatayan nang hindi tamaan ng bala nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Del Carmen, Iligan City.
Nakilala ang biktima na si Cpl. Nick Pangarongan, nakatalaga sa Police Regional Anti-Illegal Drugs Enforcement Unit at residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, pauwi na si Pangarongan nang sumulpot ang dalawnang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Nabatid na hindi tinamaan ng bala si Pangarongan at nang bunutin ng pulis ang dala niyang baril ay mabilis tumakas ang mga suspek.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga tumakas na riding-in-tandem.



Comments