top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Parak dedbol sa aksidente

  • BULGAR
  • Aug 8, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 8, 2022


AKLAN—Patay ang isang pulis nang aksidenteng bumaligtad ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Mabilo, New Washington.


Hindi muna pinangalanan ang biktima hangga't hindi pa naipapaalam sa kanyang pamilya ang pagkamatay ng pulis sa aksidente.


Ayon sa mga saksi, nawalan umano ng kontrol ang pulis sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya bumaligtad ito.


Nabatid na nagkaroon ng malaking sugat sa ulo, mga kamay at katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page