top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Parak at holdaper patay sa shootout

BULGAR
May 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 28, 2022


DAVAO DE ORO – Isang pulis at isang holdaper ang namatay sa naganap na engkuwentro kamakalawa sa Bgy. Magsaysay, Nabunturan sa lalawigang ito.


Ang nasawing pulis ay si P/SSgt. Erill Millana, nakatalaga sa Montevista Police Station, samantalang hindi pa nakikilala ang napatay na holdaper.


Ayon sa ulat, rumesponde si Millana at isang kasamahan nitong pulis sa report na may nagaganap na holdapan sa nasabing barangay.


Nabatid na agad pinagbabaril ng mga holdaper ang mga pulis kaya tinamaan ng bala sa katawan si Millana, pero nakaganti pa ito ng putok kaya napatay ang isang holdaper.


Kaagad dinala ng mga residente si Millana sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang mga nakatakas na holdaper.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page