top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahinante, dedbol sa kuryente

BULGAR
Jul 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 17, 2022


ALBAY—Isang pahinante ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Buraguis, Legazpi City.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rey Marano, 28-anyos, at residente ng Bgy. Cogon, Castilla, Sorsogon.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Jonathan Marqueses ang trak na kinalululanan din ng pahinanteng si Marano ay nasagi ng naturang sasakyan ang isang live wire at tumama ito sa biktima.


Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryente ay agad namatay ang biktima at nasunog din ang trak.


Pinag-aaralan na ng pulisya ang mga kasong maaaring isampa laban kay Marqueses dahil sa kapabayaan nito sa pagmamaneho.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page