NPA official, arestado sa hideout
- BULGAR

- Aug 21, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 21, 2020
MISAMIS ORIENTAL—Isang opisyal ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Agay-ayan, Gingoog City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Venancio Idpalina, alyas Ka Bembem, lider ng ng NPA-Guerilla Front 4 na nakabase sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Idpalina sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong murder, frustrated murder, kidnapping, illegal detention at robbery.
Sinabi ng pulisya na matagal na nilang pinaghahanap si Idpalina at kamakalawa lang sila nagkaroon ng pagkakataon na dakpin ito sa kanyang hideout.
Hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.



Comments