top of page
Search
  • BULGAR

Notoryus na tulak, todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | August 7, 2023


LANAO DEL SUR -- Isang notoryus na drug pusher ang napatay at dalawang kasamahan nito ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Kilikili East, Wao sa lalawigang ito.


Ang napatay na suspek ay kinilalang si Samanodin Pangnalang, samantalang ang mga nadakip ay sina Norma Macalaba at Jamel Base, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lalawigan.


Napag-alaman na aarestuhin sana ng mga operatiba sa drug-bust operation ang mga suspek, pero biglang nanlaban at binaril ni Pangnalang ang pulisya.


Dahil dito, gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay si Pangnalang, habang nadakip naman sina Macalaba at Base.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at baril sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page