Notoryus na tulak, huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | August 16, 2022
CEBU—Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Mandaue City.
Ang suspek ay nakilalang si John Alex Villaranza, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Caritas, Cebu City sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Villaranza ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1.5 kilo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.



Comments