Notoryus na pusher, nasakote
@Balitang Probinsiya | August 9, 2022
QUEZON—Isang notoryus na drug pusher ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Agustin, Tiaong.
Nakilala ang suspek na si Melchor Gutierrez, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 8.6 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments