top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Notoryus na kawatan arestado

  • BULGAR
  • Aug 28, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 28, 2022


AKLAN—Isang notoryus na magnanakaw ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Arcangel Norte, Balete.


Nakilala ang suspek na si Noriel Zonio, 34-anyos, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kasong nitong qualified theft.


Ayon sa ulat, maraming kaso ng pagnanakaw sa lalawigan ang suspek.


Hindi naman nanlaban si Zonio nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page