Negosyante, pinatay sa harap ng misis at 2 anak
@Balitang Probinsiya | August 20, 2022
NORTH COTABATO—Isang negosyante ang pinatay sa harap ng kanyang misis at dalawang anak nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Kayaga, Kabacan.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at nakilalang si Montasser Akad, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Magatos sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ng Akad ang kanyang motorsiklo at kaangkas ang kanyang misis at dalawang anak na menor-de-edad nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa negosyante.



Comments