top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Negosyante patay, anak sugatan sa ambush

BULGAR
Sep 6, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 6, 2022


NUEVA ECIJA—Isang babaeng negosyante ang namatay at sugatan naman ang anak nito sa isinagawang ambush ng isang hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. San Nicolas, Gapan City.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Lilia Cabiedes, 47-anyos, samantalang ang anak niyang tinamaan din ng bala sa katawan ay nakilalang si Mark, 25-anyos, kapwa nakatira sa Bgy. Poblacion, San Isidro sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, lulan ng isang kotse ang mag-ina nang sumulpot ang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang mga biktima.


Nabatid na matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek, samantalang dinala ng mga saksi ang mag-ina sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Lilia.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang salarin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page