top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Negosyante niratrat ng mga armado

BULGAR
Aug 1, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 1, 2022


NORTH COTABATO—Patay ang 37-anyos na negosyante nang pagbabarilin at tadtarin ng bala ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Langayen, Pikit.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jay-ar Mamites, nakatira sa Bgy. Dualing, Aleosan sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Mamites ang kanyang sasakyang top-down na may kargang tig-isang baka at kambing na kanyang binili sa nasabing bayan nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Mamites.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page