top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Negosyante, niratrat ng armado

BULGAR
Jun 30, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 30, 2022


NORTH COTABATO—Patay ang 57-anyos na negosyante nang pagbabarilin at tadtarin ng bala ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Takepan, Pikit.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Conrado Gutierrez, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, pababa sa motorsiklo si Gutierrez nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng armalite rifle at agad pinagbabaril ang biktima.


Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page